Ang mundo ngayon ay nag-iba na. Di lang dahil sa mga makabagong teknolohiya ngunit dahil sa kabilaang krimen na nagaganap sa iba’t-ibang bansa partikular na sa Pilipinas. Ilang buwan, taon at dekada na ang nakalipas, maraming mga bagay ang nag-iba. Kahit na ang pag-uugali ng mga tao ay nag-iba na rin.
Murder, rape, hazing, carnapping, drug addiction at kidnap – ilan lamang sa mga balitang halos araw-araw ng tumatambay sa ating mga telebisyon. Nitong mga nakaraang araw lang ay naibalita ang hazing ng isang estudyante sa San Beda at ang panggagahasa sa isang 7 taong gulang na babae. Nakakagulantang ang ganitong mga pangyayari... Nakakapanlumong isipin... Nakakaawa para sa mga namatayan at para rin sa mga biktima. Kahit na nahuli o mahuli pa ang mga suspek sa mga krimeng ito ay di pa rin nila maibabalik ang buhay ng biktima.
Ano bang pumapasok sa kanilang mga isipan at kanila itong ginagawa? Mayroon ba silang konsensiya o nakokonsensiya ba sila? Bakit nila ito ginagawa? Anong kasalanan ang ginawa ng biktima sa kanila upang magawa nila iyon sa kanya? Ang mga iyan ay ilan lamang sa mga tanong na pumapasok sa isipan, di lang para sakin mismo kundi pati na rin ng ibang tao.
Kailangan na talagang baguhin nating mga tao ang mga maling gawain. RESPETO... Respeto ang pinakaunang ugali na dapat baunin ng bawat isa. Respeto sa sarili, respeto sa kapwa at respeto sa buhay na ibinigay ng ating Panginoon sa atin.