Wednesday, December 21, 2011

Ang Mapaminsalang Bagyo na Sisira sa Kasiyahan ng Kapaskuhan

                     Tuwing Pasko, masaya ang bawat tao sa bawat sulok ng mundo. Unang-una, dahil ipinagdiriwang natin ang Kaarawan ni Hesus. Pangalawa, dahil ito ay ang panahon kung kailan tayo ay nagbibigayan, nagmamahalan at nagtutulungan. Ngunit ang sayang ito ay nasira na lamang dahil sa isang trahedyang nangyari sa Cagayan de Oro, Negros Oriental, Lanao del Norte at iba pang mga probinsya.

                        
                              Noong Disyembre 16, 2011, ibinalita sa news na magkakaroon ng isang bagyo. Ito ay pinangalanang "Sendong". Sa mga sumunod na araw, humagupit ito sa mga nasabing probinsya sa itaas at puminsala ng mga yaman tulad ng mga bahay, atbp., at buhay. Ang pinaka mataas na number ng signal ay nasa Signal#2 lamang. Ngunit, sa kabila ng ganito lamang na kalakas na signal ay puminsala ito ng napakaraming buhay ng tao. Umaabot ito sa 1000 kataong namatay. Bakit kaya umaabot ito ng ganoon karami? Paano na kaya ang mga naiwan nilang pamilya?




                                Itong larawang ito ay galing sa isang editorial ng dyaryo. Ang mga nakasulat ay mga dahilan kung bakit ang isang di kalaksang bagyo ay mamiminsala na lamang ng napakaraming bagay.



                        
                         Ang Bagyong Sendong ay isa sa mapaminsalang bagyo kahit na ito ay di kalakasan. Ito ay pangalawang Ondoy na sumira sa mga pag-asa ng mga tao sa Mindanao. Ang mga tao roo'y gumagawa na lang ng paraan upang sila ay bumangon muli. Ang iba ay di pa kaya dahil sa namatayan sila o kaya nama'y hindi sila maka-"move-on". Ang mga ganitong pangyayari ay nangyari na rin sa atin noong Setyembre 2009.



                           Paano na lang kaya nila maipagdiriwang ng Kapaskuhan kung ganito ang mga pangyayari sa kanila? Tayong lahat, mga taga- Luzon at Visayas ay gumagawa na rin ng mga paraan upang makatulong sa kanila at makabangon muli. Noong Bagyong Ondoy, tayo ay humuhingi ng tulong at tinulungan nila tayo. Ngayon namang panahong ito, Bagyong Sendong, dapat nating suklian ang kanilang mga ginawa sa atin. Tulungan natin silang makabangon at magkaroon ng bagong buhay. Caritas, Red Cross, ang simbahan at marami pang iba na tumutulong sa kanila kasama na ang mga indibidwal.

                           Sana ngayong Pasko ay atin silang tulungan upang kanilang madama ang kasiyahan at pagmamahal natin sa kanila. Itong bagyong 'to ay nawa maging aral sa ating lahat na dapat hindi natin sirain ang kalikasan at mahalin natin ito. Nawa rin ay makabangon ang ating mga kababayan na nasalanta upang sa gayon ay maging msaya sila.

       

Friday, December 16, 2011

Misa de Gallo: Ang Matandang Tradisyon ng Pilipinas


Ang Simbang Gabi sa Pilipinas


                       Pilipinas na yata ang may pinakamasaya at pinakamahabang selebrasyon ng Pasko.  Pagsapit pa lang ng Setyembre ay mayroon nang mga awit at dekorasyong pamasko sa iba't-ibang lugar. Ang mga tao ay nagsisibatian na ng "Merry Christmas".

                  Marami sa ating mga Pilipino na kapag sinabi ang salitang Pasko ay pumapasok agad sa isipan natin ang "SIMBANG GABI" o "MISA DE GALLO". Ito ay kung saan ang mga tao ay gigising ng maaga upang makapagsimba. At pagkatapos ng simba ay agad na bibili ng napakasarap na puto bumbong at bibingka.
                   
                  Ang Simbang Gabi ay ang pagninilay-nilay at paghahanda para sa muing pagdating ng ating Tagapagligtas na si Hesus. Ito ay nagsisimula sa ika-16 ng Disyembre at nagtatapos sa ika-24 ng Disyembre.

                  Sa aking unang Simbang Gabi kahapon, ako ay tuwang-tuwa ngunit medyo inaantok pa. Ngunit ang antok na iyon ay aking isinantabi dahil ito ay sakripisyo ko para o kapalit ng pagsasakripisyo ni Hesus sa atin at upang magninilay-nilay.