Friday, December 16, 2011

Misa de Gallo: Ang Matandang Tradisyon ng Pilipinas


Ang Simbang Gabi sa Pilipinas


                       Pilipinas na yata ang may pinakamasaya at pinakamahabang selebrasyon ng Pasko.  Pagsapit pa lang ng Setyembre ay mayroon nang mga awit at dekorasyong pamasko sa iba't-ibang lugar. Ang mga tao ay nagsisibatian na ng "Merry Christmas".

                  Marami sa ating mga Pilipino na kapag sinabi ang salitang Pasko ay pumapasok agad sa isipan natin ang "SIMBANG GABI" o "MISA DE GALLO". Ito ay kung saan ang mga tao ay gigising ng maaga upang makapagsimba. At pagkatapos ng simba ay agad na bibili ng napakasarap na puto bumbong at bibingka.
                   
                  Ang Simbang Gabi ay ang pagninilay-nilay at paghahanda para sa muing pagdating ng ating Tagapagligtas na si Hesus. Ito ay nagsisimula sa ika-16 ng Disyembre at nagtatapos sa ika-24 ng Disyembre.

                  Sa aking unang Simbang Gabi kahapon, ako ay tuwang-tuwa ngunit medyo inaantok pa. Ngunit ang antok na iyon ay aking isinantabi dahil ito ay sakripisyo ko para o kapalit ng pagsasakripisyo ni Hesus sa atin at upang magninilay-nilay.

No comments:

Post a Comment