Wednesday, March 14, 2012

Kakaibang Mundo sa Makabagong Panahon


       Ang mundo ngayon ay nag-iba na. Di lang dahil sa mga makabagong teknolohiya ngunit dahil sa kabilaang krimen na nagaganap sa iba’t-ibang bansa partikular na sa Pilipinas. Ilang buwan, taon at dekada na ang nakalipas, maraming mga bagay  ang  nag-iba. Kahit na ang pag-uugali ng mga tao ay nag-iba na rin.

Murder, rape, hazing, carnapping, drug addiction at kidnap – ilan lamang sa mga balitang halos araw-araw ng tumatambay sa ating mga telebisyon. Nitong mga nakaraang araw lang ay naibalita ang hazing ng isang estudyante sa San Beda at ang panggagahasa sa isang 7 taong gulang na babae. Nakakagulantang ang ganitong mga pangyayari... Nakakapanlumong isipin... Nakakaawa para sa mga namatayan at para rin sa mga biktima. Kahit na nahuli o mahuli pa ang mga suspek sa mga krimeng ito ay di pa rin nila maibabalik ang buhay ng biktima.

Ano bang pumapasok sa kanilang mga isipan at kanila itong ginagawa? Mayroon ba silang konsensiya o nakokonsensiya ba sila? Bakit nila ito ginagawa? Anong kasalanan ang ginawa ng biktima sa kanila upang magawa nila iyon sa kanya? Ang mga iyan ay ilan lamang sa mga tanong na pumapasok sa isipan, di lang para sakin mismo kundi pati na rin ng ibang tao.

Kailangan na talagang baguhin nating mga tao ang mga maling gawain. RESPETO... Respeto ang pinakaunang ugali na dapat baunin ng bawat isa. Respeto sa sarili, respeto sa kapwa at respeto sa buhay na ibinigay ng ating Panginoon sa atin.

Saturday, January 14, 2012

Video Games o Online Games – Kinaadikan ng mga Kabataan: Nakatutulong nga ba o Nakasisira sa Paghubog ng Bata?


Counter Strike, DOTA, Gaia, Call of Duty, Angry Birds, Plants vs. Zombies, at Tetris Battle – mga kinahihiligang laro, ‘di lang ng mga bata kundi pati ng mga teenagers at matatanda. “Tara 3v3 tayo.”, “Oy, pustahan ha.” at ”Okay, siguro si ganito ang magiging first blood.”  ay ilan lamang sa mga linyang laging sinasabi ng mga kabataan pagkatapos ng kani-kanilang klase papunta sa mga computer shop. Dali-dali silang pumupunta roon na tila may nagaganap na paligsahan. Kung minsan, inaabot na ng gabi ang uwi ng mga bata dahil sa kakalaro. Kaya ang kanilang mga magulang ay labis ang kaba sa dahilang gabi na at wala pa rin ang kanilang anak. Ano nga bang mayroon dito at sobra-sobra ang pagkahilig nila sa mga ganitong uri ng laro? Ano rin kaya ang mga idinudulot sa kanila sa kabila ng pagkakahilig sa mga iyon?

 

Mabilis ang takbo ng panahon. Dati-rati, ang mga bata’y nahihilig at nalilibang sa mga larong pangkalye tulad ng patintero, tumbang-preso, piko, at taya-tayaan. Halos masakop na nila ang mga daanan ng mg sasakyan dahil sa paglalaro. Ang lahat ng mga bata’y tuwang-tuwa, pawis na pawis at halos di na mapigilan ang sayang kanilang nadarama. Ngunit simula nang nauso ang Counter Strike at naglaon ay ang DOTA, unti-unti na itong hindi nalalaro at napapansin ng mga bata. Halos magdamagan na silang nakaupo sa harap ng kompyuter.



Sa karamihan, ang mga video games o online games daw ay nakakatuwa o nakakalibang at nakakachallenge. Para ka raw nasa ibang dimensyon kung ika’y naglalaro ng mga ganito. Halos ikaw,  ako o tayo na ang karakter na ating kinokontrol. May mga iba’t ibang maganda at di magandang naidudulot ang mga ganitong laro. Sa kagandahang dulot, nailalabas ng mga kabataan ang kanilang mga naitatagong kakayahan tulad ng pagmemorya ng mga control, talino sa mga taktika at iba pa. Sa kabilang dako naman, ito ay kinalolokohan ng mga bata. Kaya kung minsan ay hindi na sila nauutusan ng mga magulang at napapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral lalo na sa paggawa ng mga takdang aralin.



Para sa akin, ang online at video games ay nakasisira sa paghubog ng bata. Ito ay sa kadahilanang parang sila ay nagiging adik na sa kakalaro. Halos ‘di na sila mapigilan sa kakalaro. Sa kanilang pag-aaral, nagkakaroon sila ng mabababang grado. Hindi nila nagagawa ang kanilang mga takdang aralin. Sa kalusugan naman, ‘di na sila nagiging physically fit dahil magdamag silang nakaupo.  Kung atin ding titignan, halos lahat ng mga online/video games ay puro barilan dito, patayan doon. At maaari nilang gawin o gayahin ang mga ganoong gawain.



Kaya dapat ay balansehin nila ang kanilang oras. Sinasabi ngang may oras ang lahat ng bagay. Kung maaari sana’y unahin muna nila ang mga dapat gawin at ihuli na ang paglalaro ng mga video/online games. Isa pa’y dapat alalahanin ang mga kinasanayan ng mga laro mula pa sa ating mga angkan. Sa pamamagitan nito, magkakaroon na sila ng mabuting pangangatawan, magiging maayos pa ang kanilang kalusugan at magkakaroon pa sila ng mataas na grado sa paaralan.



Saturday, January 7, 2012

Hospicio de San Jose



          Ang unang sabado at NSTP ko sa taong ito ay kakaiba at napakasaya. Ang Hospicio de San Jose ay ang lugarkung bakit ko nasabingkakaiba at napakasayang araw na ito. Ang Hospicio de San Jose ay isang bahay-ampunan kung saan may mga sanggol, bata, matanda at teenager. Ito ay nasa Ayala Bridge sa Maynila at itinayo noong taong 1810.

          Sa gate pa lang ay excited na kaming mga magkakablockmates sa NSTP. 10 lang kaming pumunta – 6 sa amin ay mga officers, 3 kaming mga nagvolunteer at an gaming professor na si Ms. Ycong.  Nakasama namin ang isang seksyon na taga-UE rin sa aming pagpasok doon. May nag-guide sa amin na isa rin sa mga naampon doon ngunit siya ay may mga magulang na. Siya ay si Ate Margreth, 20 taong gulang. Mga toddler ang una naming binisita. Sinalubong kami ng may mga ngiti sa kanilang mukha. Sabi nga naming na gusto naming silang ampunin. Sumunod naman ay ang mga sanggol na nasa 6-9 months na. Sila ay sobrang nakakapanggigil. Un nga lang, di naming sila pwedeng hawakan. Pagkatapos noon, ang mga matatanda naman. Halos lahat sila ay naka-wheel chair.  Nakilala namin ang lolang di ko natanong ang pangalan ngunit nagko-crochet. Siya ay gumagawa ng lalagyan ng cellphhone. At nakilala ko naman din si nanay Lourdes Dapat na naka-wheel  chair.Nakakatuwa dahil inawitan niya ako ng “Pancit Canton”. Noong una ay di ko naiintindihan ang kanyang inaawit ngunit  sa bandang huli ay narining ko ang mga salitang PANCIT CANTON, MENUDO, ESTOFADO atbp. Napag-isip-isip ko na ito ay Espanyol. Napagtanto ko rin na baka mga pagkain o ulam ang kanyang kinakanta. Habang siya ay umaawit ay kanyang minamasahe ang aking braso at mga daliri sa kamay.  Sabi ng caretaker na siya ay dating kasali sa mga role-playing.  Iyon ay di ko malilimutan. Ngunit, naiwan nga lang ako ng aking mga kasama. Buti na lang at sinabi ng caretaker sa kanya. Hinatid niya ako sa aming susunod na pupuntahan, ang mga special children. Ganun din sila, naka-wheel chair at nakakatuwa. Pagkatapos ay sa mga batang may gulang na 1-2 taon. Mayroon doong bata na, siguro, nakorsonadahan ako, o kaya nama’y  nakikipaglaro. Ito’y dahil binabato niya ang kaniyang bola sa akin, pati na rin sa iba habang nakangiti. May isa pa sana kaming pupuntahan ngunit wala sila. Sila ay mga high school. Kaya raw sila wala ay dahil nasa party sila. Bandang huli ay nagpahinga kami at nagtanung-tanong/kinausap si ate Margareth. Sa huli rin, habang naghihintay sa aming sundo ay para kaming mga bata dahil naglalaro kami sa playground ng hospicio.

          Di ko inaasahang ganito kasaya ang araw ng Sabado ko. Kahit na kakaunti lang ang litratong aking kakuha ay napakarami naman ang mga memories na nangyari. Kami muli ay dadalwa room para sa aming  NSTP sa darating na Pebrero.

Ilang mga larawang nakuha sa Hospicio:
Si lolang nagko-crochet at gumagawa ng lalagyan ng cellphone



toddler sa hospicio
ang schedule ng mga toddlers o pre-scholers